#OpenLetter | West PH Sea Christmas Convoy 2023
By Pioneer Publication Editorial Team | posted 15/12/23
3 araw na paglalayag, mithiin para igiit ang karapatang pang-dagat at karapatan ng bawat Pilipino ng sariling atin.
Palawan — — — bilang isa sa mga isla na napapaligiran ng mga karagatan at higit na marami sa iba pang mga karatig lugar, higit pang nabigyan ng importansya ang adhikain at misyon ng ATIN ITO Coalition at Akbayan na pag-ibayuhin at maging malaya ang bawat Pilipino sa sariling karagatan na mayroon tayo. Ang Pioneer Publication, bilang isa sa mga representante ng nasabing West Philippine Sea Christmas Convoy, mga non-governmental organizations at sibilyang nakilahok sa paglalayag, pagpupugay sa dedikasyon at tapang na sumulong at bigyang-diin ang kahalagahan ng paglalayag at protesta para ipakita ang pagtutol sa walang habas na illegal na pag-okupa ng Tsina sa ating karagatan at patuluyang pagsira nito at gamitin sa sariling interes.
Hindi man naging matagumpay ang nakatakdang aktibidades papuntang Ayungin Shoal pero hindi natatapos ang labang nasimulan natin. Magandang simula ito para mas pag-igihin at magmatyag ng mga posibleng panggugulo ng Tsina sa mga Pilipinong mangingisda at manglalayag. Nagpapasalamat nang taos puso ang Pioneer Publication sa mga naging parte ng paglalayag, mga volunteer, sibilyan at grupo gaya ng Palawan Patriots for Peace and Progress, Environmental Legal Assistance Center, Inc. at maging sa kasundaluhan ng tropa mula sa Philippine Coast Guard na nakaalalay sa mga posibleng giriang mangyayari at pagbibigay ng nararapat na pagbabantay sa barkong sinakyan ng mga grupong nakadaong sa gitna ng karagatan. Matagumpay na naiparating ang mensahe ng paglaban, pagtindig at pagmamahal sa mga mangingisda mula sa Zambales at karatig na mga isla na nagsusumikap hindi lamang para sa kanilang hanapbuhay kundi ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.
Kaisa ang Pioneer Publication na maging boses hindi lamang ng bawat estudyante ng PalawanSU kundi maiparating ang nasyunal na kalagayan ng ating mga karagatan at mga isla. Gaya ng pangalan ng isa sa mga isla ng Kalayaan Group of Islands, nagbigay ng pag-asa ang misyong ito para maiparating sa mga Palaweño na hindi lang nakakaahon ang ating sarili sa kung anong nakikita natin ngunit mahalagang paalala na sariling atin ay protektahan at ipaglaban natin.
Sa pangangalaga ng West Philippine Sea, hindi nililimita ng iilang grupo ang adbokisiya ngunit ng bawat Pilipino sapagkat kinabuksan ng mga susunod na henerasyon ang makikinabang nito. Nawa’y maging simula ito na hindi na mga bandera ng Tsina ang makikita sa West Philippine Sea ngunit ang masaganang huli ng mga mangingisda at mga tropang kasundaluhan ang mamamayagpag sa ating karagatan.
#AtinAngWPS #WestPhilippineSeaAtinIto #TsinaLayas
Photos from Palawan Patriots for Peace and Progress